Kelot tinepok ng bayaw
- Pabs Hernandez III
- Oct 29, 2018
- 1 min read
PANGASINAN—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang bayaw, kamakalawa sa Bgy. Bantog, Asingan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ferdinand Nugal, samantalang, ang suspek ay ang bayaw nito na si Rodolfo Vibora, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon umano ng pagtatalo sina Nugal at Vibora na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Nugal sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nakapiit na ang naarestong suspek.





Comments