Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 29, 2018 (Lunes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 29, 2018 (Lunes): Duma­ting na ang takdang pana­hon kung saan ang iyong kapalaran ay nasa mata­as na antas ng pagiging ma­palad. Huwag mong kalili­mu­tang magpasalamat sa nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabago ang lahat dito sa mundo. Nga­yon na magbabago ang takbo ng buhay mo kung kailan matatanaw mo na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-28-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kaya mong abu­tin ang iyong mga panga­rap nang mag-isa, kaya lang may pagdududa ka sa sa­rili mong kakayahan. Alisin mo ang iyong pag-aalin­langan at yakapin mo ang iyong tagumpay. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-24-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis ang ihip ng hangin, pero mararamda­man mong malamig ang simoy nito. Sa ngayon, hindi mo kakayanin ang kabiguan, kaya kailangan mo ang iyong mga kaibigan. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-26-34-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Pabalik-balik ang mga suwer­te sa buhay mo. Ibinabalita ngayon ng iyong kapalaran na nagbalikan ang mapapalad mong araw kung kailan malulubos mo ang iyong kaligaya­han. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-29-38-40-45-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Su­maludo ka sa taong kayang gawin ang hin­di mo kaya. Mas mabuting tanggapin mo ang iyong kahinaan kaysa sa nagku­kunwari kang malakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-3-16-24-35-36-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iguhit mo sa iyong isipan ang katupa­ran ng iyong malalaking pangarap. Ito ang epektibong susi ng tagumpay na nagsasa­bing ang lahat ay kaila­ngan munang pag-isipan ng ma­­buti. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-8-11-15-23-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang ka­palaran mo at aalisin nito ang mga hindi magandang im­pluwensiya sa iyo. Huwag kang makialam sa kagus­tu­han ng iyong kapalaran dahil wala ka rin namang magagawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-23-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabigla-bigla ang da­ting ng mga suwerte mo. Sa mga hindi inaasahang pagka­kataon, magsisidapo sa iyo ang buwenas. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-26-31-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoo bang kuma­ka­tok muna sa taong susuwertehin ang maga­gandang kapalaran? Oo, dahil kakatok ito sa puso mo kung saan kakabahan ka muna bago ka buwe­na­sin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-26-35-48.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipilit ang gusto mo. Ka­dalasan, kahit mali ay ipi­nipilit ng tao ang kanyang gusto kaya sa huli ay naa­agrabiyado siya at nagsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-22-26-32-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung anu­man ang plano mo, huwag mo itong babaguhin ng dahil lang sa magagandang nari­rinig mo. Makaaasa ka na ang mga plano mo ay may ma­gan­dang resulta sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-6-19-20-21-24-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nala­ma­ngan at na­isahan ka, mag­pasalamat ka dahil ang mapasasaiyo ay higit pa sa nawala at sobra-sobra sa mga pangangailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-9-10-14-23-38-44.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.