Search
  • BULGAR

ACES, PASOK SA TOP 4, GINEBRA, TUMATAG PA


Hindi nagpadaig sa fourth period ang Aces kaya nakuha nila ang panalo at makasiguro ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals, 95-85.

Tangan ng Alaska ang 8-3 card habang nakalasap ng bakasyon ang Batang Pier sa pang-siyam na talo sa 11 laro. Nagtala si import Mike Harris ng 27 points, 25 rebounds at limang assists para sa Alaska.

Sinabayan ng Batang Pier ang tikas ng Aces sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang six-point lead, 47-41 sa halftime. Pero umarangkada ang Alaska sa third period, hinarurot ang 23-15 para agawin ang bentahe 64-62 pasok ng fourth quarter.

Samantala, mahaba ang pahinga ng mga teams dahil sa Nobyembre 3 na ang balik ng aksyon sa PBA.

Isa sa babantayan ng ibang teams ang laban ng San Miguel Beer kontra Meralco sa alas-6:45 ng gabi sa Araneta Coliseum. Tangan ang 6-4 karta, nais ng Beermen na lagukin ang five-game winning streak upang magkaroon pa sila ng tsansa na makasama sa top four pag­katapos ng 11-game elimination round.

Mabibiyaan ng twice-to-beat incentives ang apat na teams sa unahan kaya paniguradong itotodo ng Beermen ang kanilang lakas upang makuha ang importanteng panalo. Kailangan naman manalo ng Bolts dahil may pag-asa din silang makahirit ng laro sa quarterfinals, hawak nila ang 4-6 karta at malalaglag sila kapag yumuko sa San Miguel.

Magtatapat naman sa unang laro ang NLEX at Rain or Shine.Hawak ng Road Warriors ang 5-5 card, swak sila sa quarters kapag nagtagumpay sila sa semplang ng Elasto Painters. Samantala sa ika­lawang laro, hindi pinaporma ng Ba­rangay Ginebra ang Magnolia Hotshots sa iskor na 93-86. Bumida sa laro si Justine Brownlee para sa 29 puntos. (ATD)

Mga laro sa Nov. 3 (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. - NLEX vs Rain or Shine; 6:45 p.m. - San Miguel Beer vs Meralco

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.