top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3 tauhan ng PDEA na nang-abuso, tiniyak na sisibakin sa puwesto!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2018
  • 2 min read

KUNG sino pa ang mga inaasahang gagawa ng paraan para maiayos ang bayan, sila pa itong nag-uumpisa ng kaguluhan.

Hindi na mabilang sa mga kamay ang mga insidenteng kinasangkutang ng mga opisyal na nakauniporme, pero hanggang ngayon ang ilan sa kanila ay tila hindi pa rin napipirme.

Sa ngayon kasi ay may bagong kaso ng pam­bubugbog at pagpapaputok ng baril ang tatlo sa mga tauhan ng Philippine Drugs En­forcement Agency (PDEA).

Kaya sa ginawang pang-aabuso ng tat­long miyembro ng PDEA sa mga sibilyan sa lala­wigan ng Cagayan de Oro City, matinding galit ang naramdaman ng kanilang top of­ficials.

Nangyari ang insidente matapos umanong magkaroon ng away ang isang miyembro at kanyang asawa kaya nadamay ang isang taxi driver na humantong sa pambubugbog, pero imbes daw awatin ng dalawa pang miyembro ang kanilang kasamahan ay tumulong pa ang mga ito at nanghabol pa ng ibang sibilyan kasabay ng pagpapaputok ng kanilang mga baril.

Kung saan umabot sa anim na sibilyan ang pormal na naghain ng criminal cases laban sa tatlong pasaway na miyembro ng PDEA.

Sinabi ni PDEA Regional Director Wil­kins Villanueva na titiyakin nilang masisibak sa trabaho ang kanilang mga tauhan kung mapatutunayang nambugbog at nagpaputok ng kanilang mga baril ang mga ito. Aba, da­­­pat lang!

Gayunman, ‘yung mga ganitong klase ng pang-aabuso ang dapat ng tuldukan ng gob­yerno kaya dapat maghigpit na sila sa pagpili ng mga tauhan at mainam na i-monitor din ang mga ito nang sa gayun ay hindi na maka­gawa ng anumang katarantaduhan.

Paalala rin sa mga may katungkulan sa gobyerno, huwag sana nating gamitin ang ating posisyon para makapang-abuso at ma­kapanlamang sa ibang mamamayan, hindi kayo itinalaga riyan para maghari-harian!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page