Search
  • BULGAR

Obama, Clinton pinadalhan ng bomba | PINOY SA U.S., ARESTADO


NAARESTO na ang nasa likod ng pagpap­a­dala ng bomba sa ilang mga pu­litiko at mga per­sonalidad sa Estados Unidos.

Naaresto ang 56-an­yos na suspek na si Cesar Altieri Sayoc sa parking lot ng isang shopping cen­ter sa Plan­ta­tion, Flo­rida.

Kinumpiska rin ang van ni Sayoc na balot ng mga political sticker.

Nabatid na may mga cri­minal record ang sus­pek na kasalukuyang na­ninirahan sa Aventura, Florida.

Kabilang sa umano’y mga kaso nito ay theft, fraud at bomb threat.

Nang suriin naman ang online record nito, may na­kalagay na ang kanyang tra­baho ay ang pagiging pro­moter at booking agent.

Inihayag din nito na may kaugnayan siya sa isang Col. Baltazar Zook Sayoc na kanya umanong lolo rito sa Pilipinas.

Sinasabi rin ng sus­pek na ang kanyang pa­milya ay kaanak ng mga kilalang tao na nagpapa­tayo ng mga ospital sa Pilipinas.

Natunton si Sayoc ng Federal Bureau of Investi­gation (FBI) nang suriin ang fingerprints sa pack­ages na ipinadala nito kay Congress­woman Mazine Waters.

Ilan sa mga pinadal­han ni Sayoc ng mga pack­age sina dating Pa­ngu­long Barack Obama, Hil­lary Clinton, John Bren­nan at ang aktor na si Robert De Niro.

Ang suspek ay naha­ha­rap sa 58 taon na pag­ka­bi­langgo at maaaring madag­dagan pa. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.