NU AT FEU SA BOYS DIVISION, UMARANGKADA SA VOLLEYBALL
- BULGAR

- Oct 28, 2018
- 1 min read

KAPARIS ng kanilang girls’ squad, winalis din ng National University ang first round sa boys division ng UAAP Season 81 high school volleyball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym. Nagtala sina Pol Salvador at Lorence Cruz ng pinagsamang 22 puntos upang pamunuan ang Bullpups sa pagpapalawig sa kanilang winning streak hanggang pitong games sa pamamagitan ng 25-10, 25-12, 25-19 panalo kontra University of the East.
Sa nangyari namang rematch ng 2017 Finals, nagposte si Jose Magdalona ng 23 puntos nang gapiin ng Far Eastern University-Diliman ang defending champion University of Santo Tomas, 17-25, 25-27, 25-17, 25-17, 15-11, upang manatiling nasa second spot taglay ang barahang 6-1, panalo-talo.
Umiskor naman si Renz Angelo Engay ng 14 puntos, kabilang ang tatlong service aces nang padapain ng Adamson University ang UP Integrated School, 25-8, 25-9, 25-21, upang makapuwersa ng 3- way tie sa ikatlong puwesto taglay ang markang 4-3 kasalo ng Junior Warriors at ng Tiger Cubs. Sa isa pang laro, tumapos si Andre Espejo ng may 17 hits nang payukurin ng De La Salle-Zobel ang Ateneo, 25-15, 25-17, 25-17, para sa ikalawa nilang panalo kontra limang talo. (VA)





Comments