Wanted na rapist tiklo
Pabs Hernandez III
Oct 27, 2018
1 min read
LAGUNA—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Gabriel, San Pablo City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Eric Galsim, residente ng Bayambang, Pangasinan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Galsim sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi nanlaban ang suspek nang arestuhin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments