top of page

Tips para mabilis makarekober sa dengue fever

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2018
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Nagka-dengue ang kapatid ko at sa awa ng Diyos ay magaling na siya at hindi rin kinailangan na salinan ng dugo. Nais kong itanong kung nakahahawa ba ito kahit hindi ako nakagat ng lamok? — Merle

Sagot

Ang dengue fever ay dulot ng dengue virus na dala ng ilang uri ng lamok tulad ng Aedes aegypti. Gayunman, hindi nakahahawa ang dengue, tao sa tao dahil kagat ng lamok na may dalang dengue virus ang sanhi ng pagkakasakit nito. Lagnat at pagdurugo sa katawan ay dalawang katangian ng dengue na malala na kaya ito ay tinatawag na “dengue hemorrhagic fever”.

Gayunman, kusang nawawala ang dengue fever matapos ito ay magsanhi ng iba’t ibang sintomas sa loob ng ilang araw hanggang isang linggo. Subalit, mahalagang bantayang mabuti ang pasyente na may dengue fever.

Narito ang mga payo upang gumaling ng maayos ang pasyente:

  • Kumpletong pahinga — alisin na ang mga bagay na nakapagdudulot ng stress sa pasyente, hayaan itong makapahinga sa kama ng walang iniisip.

  • Uminom ng maraming tubig, juice, soup at atbp. — ang pagpapanatiling sapat ang tubig sa loob ng katawan ay mahalagang haligi ng gamutan ng dengue.

  • Magpatingin agad sa doktor kung may mataas na lagnat.

  • Iwasan ang pag-inom ng aspirin o ibuprofen — ang pag-inom nito ay nakatataas ng posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon. Gayunman, maaarin ang pag-inom ng paracetamol ay siyang ligtas na pampababa ng lagnat at sakit ng ulo sa mga may dengue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page