SGMA todo-tanggol kay P-Duterte | PAG-RECYCLE NG GOV’T OFFICIALS, OKS LANG
- Alvin Murcia
- Oct 27, 2018
- 1 min read

SUPORTADO ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga recycled at dating military sa pamahalaan.
Ayon sa dating pangulo, alam niya na maraming dapat ikonsidera si Duterte sa gagawing desisyon kaya ayaw niyang maging parte ng tinaguriang “peanut gallery”.
Sa pagbabago naman ng liderato sa Bureau of Customs, sinabi ni Arroyo na alam ni Duterte kung ano ang kanyang ginagawa at ang pagtatalaga naman ng mga dating opisyal ng military sa posisyon sa gobyerno ay wala ring problema dahil magagaling ang mga ito.
Ang komento ni Arroyo ay bilang tugon sa anunsiyo ni Duterte kamakalawa na si Bureau of Customs (BOC) Chief Isidro Lapeña ay itatalaga bilang Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ipapalit sa kanya si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero na isa ring dating opisyal ng militar.





Comments