Nu'ng Oct. 20 lang daw sinagot ng aktres… NASH AT MIKA, MAG-BF NA!
- BULGAR

- Oct 27, 2018
- 1 min read

FINALLY, official nang mag-BF-GF sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz, na matagal nang mag-BFF way back their Goin’ Bulilit days.
Napaamin na rin ng entertainment press si Nash noong presscon ng pelikulang Class of 2018 ng T-Rex Entertainment na showing na sa Nov. 7.
Ayon kay Nash, noon lang Oct. 20 siya pormal na sinagot ni Mika. At mukhang happy and sincere naman siya sa relasyon niya sa younger sister ni Angelika dela Cruz. Pasado siya sa ate ni Mika at siya lang talaga ang pinayagang manligaw sa flawless na Kapuso actress.
Going back to Class of 2018, sina Nash at Kiray Celis ang masasabing mas senior sa mga artistang kasama sa cast ng nasabing horror movie na idinirek ni Charlie Bebs Gohetia.
Kasama rin sina Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar at ang mga senior stars na sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, atbp..
Ang Class of 2018 ay hindi isang ordinaryong horror movie. May element ito ng suspense-thriller at comedy. Sesentro ito sa misteryosong virus na dadapo sa isang grupo ng mga estudyante, ang Section Zamora!





Comments