top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagbebenta sa mall | SUNDALO TIKLO SA P1.3-M SHABU

  • Gina Pleñago
  • Oct 27, 2018
  • 1 min read

ARESTADO ang isang discharge na miyembro ng Philippine Army at dala­wang kasama nito matapos mahulihan ng P1,360,000 halaga ng umano’y shabu at baril sa isang mall sa Para­ñaque City.

Ipinrisinta sa media ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina John Wyn Arnaiz alyas Bossing, na­tanggal bilang miyembro ng Phil. Army; Joseph Cabat­bat at Valentin Arnaiz.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Regional Special Opera­tions Unit (RSOU) at Regio­nal Drug Enforcement Unit (RDEU) laban kay ‘Bos­sing’, sa 4th level parking ng isang mall, alas-4:30 ng hapon.

Wala nang nagawa ang mga suspek nang posasan sila ng mga awtoridad ma­tapos umanong bentahan ng droga ang isang pulis na nag­silbing poseur-buyer.

Nakuha sa tatlong sus­pek ang apat na plastic bags na naglalaman ng umano’y shabu na tumitimbang ng halos 200 gramo na nagka­kahalaga ng P1.360 million, isang caliber .45 armscor with chamber na kargado ng pitong bala at bungkos ng boodle money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page