Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKA-BOYFRIEND NGAYONG NALALAPIT NA KAPASKUHAN

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Ang idudulog ko sa inyo ay tungkol sa crush kong lalaki na hindi naman nanliligaw sa akin kasi napa­kamahiyain niya. Wala rin siyang cellphone kaya hindi ko siya ma-text.

  2. Ano ang dapat kong gawin upang magkalapit ang loob namin sa isa’t isa? Kasi kung ako lang ang ma­susunod siya na ang gusto kong maging first boy­friend.

  3. May pag-asa kaya na ligawan niya ako o puwede kaya na kahit hindi siya manli­gaw ay ma­ging kami na? Paki­ting­nan na­man sa gu­hit ng aking mga palad kung siya na kaya ang magiging first boyfriend ko at compatible ba ang Cancer at Virgo?

KASAGUTAN

  1. Sadyang kapansin-pansin ang malinaw at makapal ang guhit na nanggaling sa Bundok ng Venus (Drawing A. at B. V-V arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan ang Bundok ng Venus ay siya ring tinatawag na Bundok ng Emos­yon (arrow a.) sa modernong palmistry ang anumang guhit na nagmula sa nasabing bun­dok, tumawid sa Life Line (L-L arrow b.) at Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ay siya ring itinuturing na pakikipagrelasyon sa opposite sex. Ibig sabihin, kung babae ka, ang bilang ng mga guhit na nag­simula sa Bundok ng Venus at tumawid sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) ay siya ring bilang ng magiging boyfriend o girlfriend ng isang indi­bidwal. Sila o ang mga guhit na nabang­­git (arrow a.) ang itatalang makakarelasyon, pero hindi naman tuluyang mapa­pangasawa ng isang indibidwal habang siya ay nabubuhay sa mundong ito.

  2. Bilangin mo, Annalyn, ang nasabing mga guhit sa Bun­dok ng Venus (arrow a.) ay ‘yan din ang magiging su­matutal na bilang ng lalaking makakarelasyon mo, habang ikaw ay nagdadalaga hanggang sa ikaw ay makapag-asawa na. Pansinin mo rin na malapit nang maganap ang una mong pakikipagre­lasyon kung saan agad-agad tumawid ang naunang guhit sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap, isang lalaking may katamtamang pangangatawan, tahimik at medyo ma­hiyain ang nakatakda mong maging unang boyfriend at ang inyong relasyon ay nakatakda rin namang magtagal hu­migit-kumulang mga isang taon o kaya ay anim na buwan.

  3. Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka na sa last quarter ngayong taon ay madali namang kinumpirma ng lagda mo na kinakitaan ng korteng puso na nagpapahiwatig na ngayon ay lihim kang in love at gusto mo ng magka-boyfriend talaga.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Annalyn, tiyak na ang magaganap sa mga huling buwang ito ng 2018, maaaring sa buwan ng Nobyembre o kaya ay Disyembre, habang pa­palapit ang kapas­kuhan, ma­tutupad na ang iyong munting kahilingan — magkaka-boy­friend ka na rin sa wakas at ang lalaking magi­ging first boy­friend mo ay ang lalaking lihim at matagal mo ng crush na nagtataglay ng zodiac sign na Libra kung saan mata­mis at nakakikilig na relasyon ang inyong pagsasaluhan ha­bang patuloy na kumukutiku­titap ang kapaligiran dahil sa mga Christmas light ngayong ka­pas­kuhan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.