- BULGAR
Kaya mas better daw kung pipilitin ninyong bumangon sa kama, lodi! MABIGAT NA KATAWAN SA UMAGA, SINT
Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

HIRAP ka bang bumangon tuwing umaga, lodi? Naku, masama ‘yan dahil knows ba ninyong senyales na ito ng pagkakaroon ng disorder na tinatawag na dysania o clitomania?
Hala!
Kung ‘yung ibang tao ay game na game na gumising ng sobrang aga, mayroon din namang dehins keri ang ganitong kakayahan.
Kaya naman ayon sa mga eksperto, maituturing na umanong sakit ang hirap sa pagbangon sa umaga at ito ay tinatawag na Dysania o ang pagkakaroon ng problema sa paggising sa umaga.
Ang dysania o kilala rin bilang clitomania ay isang uri ng medical disorder, kaya hindi dapat ito binabalewala.
Samantala, para mapatunayan ito ng pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento ang mga siyentipiko kasama ang 5,000 katao mula sa UK kung saan sinubaybayan nila ang pattern ng oras ng pagtulog ng mga kalahok sa loob ng isang buwan kung saan natuklasan nila na mayroong 45 porsiyento sa mga kalahok ang nakararanas na ng senyales ng pagkakaroon ng dysania dahil karamihan sa kanila ay hindi kayang gumising ng umaga at madalas ay tanghali na kung bumangon sa kama.
Gayunman, anang mga dalubhasa, kung inaakala ninyong simpeng katamaran lang ito, nagkakamali kayo dahil maaaring malubhang sakit na ito, kaya ang payo nila ay mainam kung kumonsulta na sa doktor ang mga nakararanas ng ganitong sitwasyon.
Gayundin, kailangan umanong magkaroon ng sapat na tulog kada araw upang hindi maapektuhan ang lifestyle at kalusugan.
Kaya para sa mga hindi nakikinig diyan, magkaroon na kayo ng pakialam upang maiwasan pa ninyo ang pagkakaroon ng kumplikasyon sa kalusugan. Okay?