Search
  • BULGAR

Hindi pagsuko sa kabiguan, ang maghahatid sa atin sa tagumpay

NANCY BINAY / SERBISYONG TUNAY

NGAYONG weekend, daragsa ang mga kukuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT).

Tayong mga Pilipino, we really put a priority on education kasi ito lamang ang bagay na hindi kailan­man mananakaw sa atin. At naaalala natin ang pala­ging nababanggit ng ating ama, si dating Vice-President Jojo Binay na ang edukasyon ang nag­pa­pantay-pantay sa atin.

And being that we prize education above most requirements for employment, sadyang matindi ang kompetis­yon sa pagpasok sa top universities sa ating ban­sa. Isa na rito ang Uniber­sidad ng Pilipinas. Sad­yang napakalaking prebi­lehiyo ang matanggap sa UP at makapagtapos dito dahil binubuksan nito ang maraming magagandang oportunidad.

Ngunit, nais nating maiparating sa mga kap­wa natin magulang ang simpleng payo: Sana ay huwag natin masyadong i-pressure ang inyong mga anak. Totoo, ang magandang edukasyon ang magdadala sa kanila sa iba’t ibang lugar. Ito ang magbibigay sa kanila ng kakayahang maabot ang kanilang mga pangarap.

Gayunman, dahil pi­ling-pili ang mga tinatang­gap dito at intense ang kompetisyon upang ma­ka­pasok, marami ang hin­di pinapalad na makapasa. That is life and it must go on. Putting undue pressure on your kids is never a good thing. Totoo, napu­pursige silang mas gali­ngan, mas mag-aral at ma­ging seryoso sa kanilang buhay.

Ngunit, minsan la­mang sila bata and being in their age, dapat din silang mag-enjoy sa buhay. Kausapin natin sila upang maipain­tindi sa kanila na while we pray that they get into the country’s leading university kung hindi ito para sa kanila ay alam nating may iba pang oportunidad na naghihintay sa kanila—sa ibang kolehiyo.

Marami na tayong narinig na kuwento ng kabataang nagkaroon ng depression dahil sa tindi ng pressure sa kanila. It is up to us parents to ensure na hindi sila makararanas nito. Nasa mga kamay nating mga magulang na gabayan sila at siguruhing naiintindihan nila na ha­bang magandang oportu­nidad ang makapasok sa top university ay hindi ito ang maaari nilang taha­king landas. Sabi nga, “when the going gets tough, the tough gets going.” Ito ang ituro natin sa kanila, ang pagiging resilient na characteristic na natural na taglay ng ating lahi.

Ang hindi pagsuko sa harap ng kabiguan ang maghahatid sa atin sa tagumpay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.