Drugs taya sa sugal, 4 arestado
APAT na hinihinalang drug users ang naaresto ng mga pulis na nagsusugal habang ang taya umano ay shabu sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit Head PCI Rengie Deimos ang mga naaresto na sina Jaime Torres, 50; Marcelino Baligwag, 40; Dominador Esmillo, 43, at Joemar Carmona, 32.
Ayon kay PO1 Marius Andrew Mendoza, alas-7:30 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct-2 ang sumbong ng isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling sa kahabaan ng Magtanggol St., Bgy. 29.
Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz kaya inaresto ang mga ito kung saan narekober ang 3 piso coins na gamit bilang pangara at 5 piraso ng P20 bill.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.





Comments