top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Drug lords, front lang daw ng mismong awtoridad, saklap!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2018
1 min read

SIBAK na si Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Tagumpay ang drug traffickers.

◘◘◘

BATAY sa mga datos na lumalabas sa media at pagdinig sa Kongreso, ang mismong 3 opisyal ng BOC, PDEA at PNP ang umangkat ng P11 bilyong shabu.

O, paano ngayon ‘yan?

◘◘◘

WALANG drug lords, drug lords.

Front lamang sila ng mismong awtoridad.

Isang malungkot na katotohanan ‘yan.

◘◘◘

HINDI kasi puwedeng makalaya ang sindikato nang walang basbas ng awtoridad.

Simpleng sentido-komon lang ‘yan!

◘◘◘

ANG kalaban ni P-Digong sa giyera kontra droga ay mismong awtoridad na nasa pamahalaan.

Mahirap bang isipin ‘yan?

◘◘◘

SA gitna ng krisis sa ekonomiya, ang pagbebenta ng shabu sa kalye ay “source” na ikabubuhay ng mga nagdarahop.

Isang panibagong problema ito na hindi masosolusyunan ng pagpatay.

◘◘◘

ALAM na ngayon ni P-Digong na hindi malulutas ang droga kahit tatlong dekada siyang maupo sa Malacañang.

Ang kanyang kalaban ay nasa paligid lamang niya.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

PAANO na kapag nawala si P-Digong sa Malacañang?

Lalong magiging grabe ang illegal drugs.

Lalong magdarahop ang bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page