Search
  • Jeff Tumbado

Tanod, 5 pa huli | DRUG DEN SA TABI NG BAHAY NI KAPITANA, BUKING

SINALAKAY ng mga tauhan ng Station Drug En­forcement Unit at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Manila Police District Station 7 ang isang drug den sa Abad Santos, Tondo, Ma­nila.

Ang nasabing drug den ay katabi lamang ng bahay ng kapitana sa Bgy. 212 na si Carmelita Francisco.

Naaresto ang anim katao kabilang ang isang tanod sa naturang drug den matapos silang makuhanan ng walong sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

Napag-alaman sa report na matagal na umanong tam­bayan at batakan ng mga adik sa shabu ang lugar.

Gayunman, depensa ng kapitana, pinagsasabihan naman niya ang mga suspek na tigilan na ang masamang gawain.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.