top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SAINTS, NAKAUNA SA GAME 1 NG BEST-OF-3 NAASCU FINAL

  • A. Servinio
  • Oct 26, 2018
  • 1 min read

ANG defending champion Saint Clare College of Caloocan ang nakauna sa seryeng best-of-three para sa korona ng 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Mi­yerkoles sa Pasig Sports Center. Pinabagsak ng Saints ang Enderun College, 81-67, at maaari na nilang wakasan ang serye ngayong Biyernes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mahigpit na depensa ang susi sa tagumpay ng Saint Clare nang italaga ni Coach Jino Manansala ang mga mas matangkad na sina Ray Rubio at Joseph Penare­dondo na bumantay sa mati­nik na guwardiya ng Titans na si Valandre Chauca.

Ma­tapos magpaulan ng 15 tres noong kanilang seryeng semifinal kontra De Ocampo Memorial College, isang tres lang ang napasok ni Chauca at ang kanyang malamig na shooting ay humatak pababa sa kanyang mga kakampi.

Gumawa ng 13 sunod-sunod na puntos ang Saints sa 3rd quarter para maabot ang pinakamalaking kalama­ngan, 58-37.

Hindi na naka­bangon ang Enderun buhat doon at nag­pasya ang dalawang kopo­nan na ituon ang pansin sa paghahanda para sa susunod na laro.

Bago ang dalawang laro, itinanghal si John Paul Nieles ng Junior Saints bilang kampeon ng NA­ASCU Three-Point Shoot­out.

Pumangalawa si Miguel Bryan Cabrera ng Our Lady of Fatima at pumangatlo si Jaime Jose Llorente ng Manuel L. Quezon University.

Mga laro ngayong Biyernes – Cuneta Astrodome: 8:00 AM Our Lady of Fatima vs. Saint Clare (Juniors): 9:30 AM Enderun vs. Saint Clare (Seniors)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page