Search
  • Janice Baricuatro

Nanay at 2 anak dedbol sa sunog

PATAY na nang matag­puan sa loob ng nasunog ni­lang bahay ang isang ginang at dalawang paslit nitongmga anak sa Alfonso, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na si Lovely Demillio Jas­sem, 26, anak na sina Rylai Lexi Jassem, 5, at Rijin Lex Jassem, isang taong gulang.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Ashley, 15, na na­­katira sa katabing kuwarto ng mga ito, nakita niya ban­dang alas-2:00 ng hapon na may usok na nagmumula sa silid ng mga biktima kaya kinalabog niya ito, pero hindi na mabuk­san ang pinto.

Base sa salaysay ng ina at lola ng mga biktima, alas-12:00 ng tanghali nang utusan niyang magluto ng itlog ang anak upang iulam dahil aalis umano siya at pu­punta sa fiesta.

Nabatid pa na hiwalay sa asawa ang ginang kaya wala ito nang maganap ang insi­dente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.