Search
  • Jeff Tumbado

Nahulog, pumutok | PULIS PATAY SA SARILING BARIL


PATAY ang isang police official matapos maaksiden­teng pumutok sa kanya ang sariling baril sa loob mismo ng opi­sina nito sa Station 10 sa Kamuning, Quezon City, kahapon.

Nakilala ang biktima na si Police Inspector Ceferino Gatchalian, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Ayon kay Police Supt. Benjie Tremor, nag-aayos ng gamit si Gatchalian sa loob ng kanyang opisina nang aksi­denteng mahulog ang kanyang baril, pumutok at tamaan ito.

Pauwi na sana ang bik­tima nang maganap ang insidente.

Nagawa pang isugod sa East Avenue Medical Center ang biktima, pero binawian din ito ng buhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.