Masasabi pa ring na-rape ang biktima kahit walang nakitang semilya sa katawan nito
- BULGAR

- Oct 26, 2018
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung ang kawalan ba ng bakas ng semilya sa genital ng biktima ay nangangahulugan na walang rape na nangyari? — Toni
Dear Toni,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay din sa People of the Philippines vs. Alberca (G.R. No. 217459, 07 June 2017) na isinulat ni Mahistrado Noel Tijam ng Korte Suprema kung saan binigyang-linaw ang isyung ito: Ang kawalan ba ng semilya sa genital ng biktima ay nangangahulugan na walang rape na nangyari? Sinabi rito na:
“Likewise, the absence of hymenal fluid or spermatozoa is not a negation of rape. The presence or absence thereof is immaterial since it is penetration, not ejaculation, which constitutes the crime of rape. Besides, the absence of the seminal fluid from the vagina could be due to a number of factors, such as the vertical drainage of the semen from the vagina, the acidity of the vagina, or simply the washing of the vagina after the sexual intercourse. At any rate, the presence of spermatozoa is not an element of the crime of rape.” (Binigyang diin)
Ayon sa nabanggit na desisyon, ang kawalan ng semilya sa genital ng biktima ay hindi nangangahulugan na walang rape na nangyari. Ang pagkakaroon ng bakas o maging ang kawalan ng hymenal fluid o spermatozoa ay hindi materyal sapagkat ang penetrasyon at hindi ejaculation ang bumubuo sa krimen na rape.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments