KANINO ANG TSANSA SA Q’FINAL, SA ROAD WARRIORS O KATROPA?

TATANGKAIN ng NLEX Road Warriors at sister team Talk ‘N Text KaTropa ang bumangon sa pagkatalo at patatagin ang kanilang quarterfinal bid sa Governor’s Cup kontra magkahiwalay na kalaban sa muling pagbabalik ng PBA ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Maghaharap ang Road Warriors at Alaska Aces sa unang laro ng 4:30 p.m. at sasagupain ng KaTropa ang league-leading Magnolia Hotshots sa 2nd game ng 7 p.m. sa pang-anim na paglalaro sa Ynares Center.
Higit na kailangan ang panalo ng NLEX at TNT para mabuhay ang kanilang quarterfinals campaign dahil sa sandaling matalo ay malalagay sila sa alanganin pareho.
Dahil wala si ace gunner Kiefer Ravena, kailangang kumayod nang husto si import Aaron Fuller at locals na sina Larry Fonacier, Alex Mallari, JR Quiñahan, Raul Soyud at Kenneth Ighalo para sa panalo kontra sa defense-oriented Aces ni coach Alex Compton sa pamumuno nina Mike Harris, Vic Manuel, JV Casio, Chris Banchero, Kevin Racal, Simon Enciso, Sonny Thoss, at Chris Exciminiano.
Samantala, kung higit na kailangan ng NLEX at TNT ang panalo para lumakas ang tsansa sa quarterfinals ganoon din ang Aces at Hotshots na parehong gustong manalo para lumakas ang kampanya sa semifinals.
Ang NLEX at TNT ay parehong may hawak na kartadang 4-5 records at galing sa pagkatalo. Natalo ang Road Warriors sa sister team Meralco Bolts, 105-108 at yumuko ang KaTropa sa San Miguel Beermen, 96-107 noong Okt. 20 sa Calasiao, Pangasinan.
Walang mawawala sa Aces at Hotshots maliban sa prestige dahil pasok na ang Aces at Hotshots sa quarterfinals kasama ang Barangay Ginebra Kings, Blackwater Elite at Phoenix Fuel Masters.
Matagumpay na nakapasok ang Fuels sa next round matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters, 103-97 at pinayuko ng SMB ang North Port, 114-107 noong Okt. 24.





Comments