Jeepney driver tiklo sa shabu
- Alvin Murcia
- Oct 26, 2018
- 1 min read
ISANG jeepney driver at isang menor-de-edad ang naaresto sa anti-drug operation sa Marikina City.
Kinilala ni Inspector Greco Gonzales ang suspek na si Jover Barriga, 38, residente ng Bgy. Concepcion.
Ikinasa ang operasyon, alas-8:45 ng gabi kung saan isang pulis ang bumili ng isang pakete ng shabu.
Matapos ang abutan, agad dinakma ng iba pang mga pulis ang suspek pati ang kasama nitong menor-de-edad.
Narekober sa mga ito ang limang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money at isang coin purse.





Comments