HOROSCOPE | Oktubre 26, 2018 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 26, 2018 (Biyernes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan na puwede mong magamit sa pagpapayaman, ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka kapos sa mga ideya na magpapaganda ng iyong buhay. Kaya hindi rin hadlang sa iyo ang limitadong materyal na hawak mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-19-20-24-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumikislap mula sa malayo ang suwerteng paparating sa iyo. Pansamantala mong makalilimutan ang mga suliranin na nagpapaluha sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-29-30-33-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Ang mabibilis mong pasya ay babalewalain dahil ang magagandang pangyayari ay darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-24-35-38-45.
CANCER (June 21- July 22) - Mahirap paniwalaan ang kapalaran mo dahil ito ay nagsasabing kakapusin ka ngayon, pero ang kapos sa iyo ay pupunuin ng langit na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-6-18-23-28-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalikan ang mga magagandang pagkakataon na iyong pinalagpas dahil abala ka sa ibang bagay. Huwag mong sayangin ang magandang araw na ito na para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-24-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nararamdaman natin ang malamig na simoy ng hangin na ang gustong ipahiwatig sa iyo ay dapat kang magbenta ng mga produkto na may kaugnayan sa nalalapit na Pasko. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-26-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang sa hindi mo nakuha ang gusto mo ngayon. Dito sa mundo, ang mga kabiguan ay pansamantala lang at lumilipas din naman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-24-28-34-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit may mga madidilim na ulap sa kalangitan, gayundin sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa na balang-araw ay malalagpasan mo rin ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-27-30-38-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha ng lakas ang mga suwerte mo. At alam mo ba kung saan ito kumukuha? Para sa iyong kaalaman, kumukuha ito ng suwerte sa iba at inililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga hindi pabor sa mga gusto mong mangyari. Sa isip mo lang naman hindi maganda ang mga ito. Huwag kang maging negatibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-17-25-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lalapitan ka ngayon ng malaking suwerte na biglang magpapabago sa buhay mo. At dadalhin ka nito sa malayo kung saan mo makakamit ang magandang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-22-33-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung magkakamali ka, huwag kang mag-alala dahil ang mga nagawa mong mali sa nakaraan ay naaayos din naman kung saan mayroon kang matututunan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-29-30-41-46.




Comments