Search
  • Mylene Alfonso

3 huli sa aktong nagnanakaw | VENDOR TINADTAD, UTAS

PATAY ang isang 23-anyos na vendor matapos araruhin ng saksak ng tatlong suspek na una niyang naak­tuhang nagnanakaw ng kan­yang panindang damit, ka­hapon nang madaling-araw sa Divisoria, Tondo, Manila.

Dead-on-arrival sa Jus­tice Jose Abad Santos Ge­neral Hospital ang bikti­mang si Arnold dela Cruz.

Nakilala naman ang mga suspek sa mga alyas na ‘Is­mael’, ‘Marvin Ching’ at ‘Sadam’. Batay sa imbes­ti­gasyon ni PO3 Joel Jasa­reno, ala-1:55 ng madaling-araw nang maganap ang pa­nanaksak sa biktima.

Ayon kay Gladys Ane­da, live-in partner ng bik­tima, natutulog sila nang ma­alimpungatan at nakitang kinukuha ng tatlo ang ka­nilang mga paninda.

Isinauli ng mga ito ang damit pero ilang saglit pa lamang ang nakararaan ay bumalik ang tatlo at isa sa kanila ang umatake ng sak­sak sa biktima bago nagsita­kas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.