Siklista pisak sa trak
PATAY ang isang siklista matapos masagasaan ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Raymark Obias, nasa hustong edad, residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, alas-6:45 ng gabi, sakay ng kanyang bisikleta ang biktima nang masagasaan ng isang 10-wheeler truck na minamaneho ng suspek na si Marvin Rubio, ng Tanauan City.
Pumailalim pa ang biktima sa nasabing trak hanggang sa masapol ang ulo at katawan nito.
Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit, idineklara ring dead-on-arrival.





Comments