Search
  • BULGAR

RONDO KAY PAUL: ‘MAANGAS NA KA-TEAM’; GRIFFIN NG PISTONS, GUMAWA NG 50 PTS.


MAY natipa na career-high 50 points si Blake Griffin kung kaya napasakamay ng Detroit Pistons ang kanilang third straight victory nang dispatsahin ang Philadelphia 76ers sa overtime period, 133-132.

Bukod sa 14 rebounds at anim na assists nito sa kanyang big game, si Griffin din ang sumalaksak ng game-winning layup sa nalalabing 1.8 seconds. Si Griffin din ang unang Piston player na nagsubi ng 50 puntos dagdag pa ang 10 at higit pang rebounds sa isang game mula noong 1983. Samantala, malakas din ang 34-point at 13-rebound performance ni Anthony Davis upang maipamalas sa New Orleans Pelicans ang ikatlong sunod na panalo at talunin ang Los Angeles Clippers, 116-109.

Nakagawa si Nikola Jokic ng 14 points at 12 rebounds sa loob ng 23 minuto, umiskor si Jamal Murray ng 19 nang magwagi ang Denver Nuggets sa 126-112 kontra Sacramento Kings. Samantala, binatikos ni Los Angeles Lakers guard Rajon Rondo ang NBA dahil sa pag­kampi kay guard Chris Paul bunga ng tensyong nama­magitan sa dalawang players.

Unang, pinatawan si Rondo ng three-game suspension, dalawa kay Paul at apat kay Brandon Ingram bunga na rin ng pagka­kasangkot ng tatlo sa sun­tukan sa kasagsagan ng laban ng Lakers at Houston Rockets noong nakaraang Linggo.

Inireklamo ni Rondo na paano niya duduraan si Paul kung may suot siyang mouth­piece. Kabaligtaran sa pa­ni­ni­wala ng mara­mi, isa uma­­nong maa­ngas na ka-team­mate si Paul. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.