Search
  • A. Servinio

LACO, PATTS, TRINITY AT PWU, SA SEMIS NG ISAA


BUO na ang apat na koponan na lalahok sa semifinals ng 10th Inter-Scholastic Athletic Association matapos ang quarterfinals noong Martes sa La Consolacion College. Tulad ng inaasahan, pasok na ang mga paboritong La Consolacion at defending champion PATTS ngunit nakagugulat ang Trinity University of Asia at Philippine Women’s University.

Tinalo ng La Consolacion ang Manila Tytana Colleges, 69-44, sa likod ng mahusay na laro nina Thurlough Grealy at Paul Harvey Dagunan. Gumawa agad ng 11 puntos si Grealy sa unang quarter upang magtapos na may 21 puntos habang pinasok ni Dagunan ang 10 ng kanyang 16 puntos sa huling quarter. Nameligro ng saglit ang PATTS bago tuluyang patumbahin ang Saint Dominic College of Asia, 68-60, ang kanilang tinalo noong 2017 para sa kanilang ikatlong sunod na korona. Namuno para sa Seahorses si Norman Torreno na may 24 puntos, kasama ang dalawang tres sa huling quarter upang matiyak ang kanilang panalo.

Sa ikaapat at huling laro, hindi nag-aksaya ng panahon ang Philippine Women’s University para lansagin ang Immaculada Concepcion College, 78-66. Malaki ang inambag ng beteranong si Ivan Andaya na may 20 puntos at tinulungan siya nina Leonard Carbonel at Gilbert Salting na may 16 at 15 puntos para makaganti sa kanilang 77-80 na talo sa Blue Hawks sa pagsara ng elimination round noong Sabado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.