top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Customs commissioner kumambiyo, magnetic lifter may laman | P6.8-B SHABU, NAKALUSOT — LAPEÑA

  • Alvin Murcia
  • Oct 25, 2018
  • 1 min read

MAKARAAN ang kan­­yang mga naunang pag­tanggi sa posibili­dad na may naka­lusot na droga sa Bu­reau of Cus­toms, big­lang nag-iba ang paha­yag ni Commis­sioner Isidro Lapeña.

Aniya, posibleng nakalu­sot ang droga na isinilid sa ilang magnetic lifters na nag­kakahalaga ng P6.8 billion.

“With the circumstantial evidence and testimonies, as an investigator, I will tend to believe na indeed may laman ‘yan sir,” tugon ni Lapeña sa tanong ng ilang mga kon­gresista. Gayunman, binig­yang-diin ng opisyal na walang lamang droga ang ilang magnetic lifters nang ito ay suriin ng mga tauhan ng PDEA sa Cavite.

Ito ay sa kabila ng pag-upo ng drug sniffing dogs ng PDEA sa tabi ng nasabing magnetic lifters.

Sa naturang pagdinig, ipinaliwanag din ni dating BOC X-ray project Chief Maria Lourdes Mangaoang na positibong may lamang droga ang nasabing mga magnetic lifter base sa kan­yang personal na pag-ana­lisa sa mga kuha ng x-ray film.

Bilang eksperto, alam umano niyang may itinatago sa loob ng nasa­bing mga kontrabando nang ito ay ipasok sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page