Search
  • BULGAR

‘Di pa Undas, mga epalitiko, nagpaparamdam na!

ISANG linggo bago ang Undas, puspusan na ang pag­hahanda ng publiko at ng mga awtoridad.

Siyempre, hindi rin pahuhuli ang mga pabida sa pa­nahong ito, ang mga epalitiko!

Madaling-araw palang, abalang-abala na ang mga alipores sa pagkakabit ng mga tarpaulin na may nakasulat na “Oplan Kalu­luwa 2018”, as usual, nagmumura rito ang pagmumukha at pa­ngalan ng kandidato.

Ang dapat dito, pagbabaklasin, gawan ng malaking hukay sa semen­teryo at doon itapon, lagyan ng lapida na may nakasulat na “epal, huwag iboto!”.

May mga pabulong na rin sa barangay na libreng pintura at kandila, hindi pa ‘yan kampanya, ha?

Ang abangan natin ay sa mismong Araw ng mga Patay.

Tiyak, buhay na buhay ang mga kandidato, sisikaping ma­puntahan lahat ng nitso para makamayan ang mga bibisitang botante.

Ganyan katrapo ang iba sa mga nag-aambisyon sa gobyerno. Wala ng pinipiling pagkakataon basta makapang-uto at ma­ka­pambola lang.

Kaya tayong mga botante, utang na loob, ‘wag padadala sa ka­nilang mga boladas ngayong Undas at darating pa ang Pasko, tiyak, lalo pa silang magpapasikat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.