Search
  • Alvin Murcia

Usapang lasing | KELOT TINODAS NI KUYA

SA kulungan bumag­sak ang isang lalaki makaraang saksakin ang kapatid nang magtalo sa gitna ng inuman sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Senior Supt. Moises Villaceran, Jr., ang suspek na si Jonathan Al­baran, 25, at ang biktima na­man ay si John Paul, 23, laborer.

Naganap ang insidente, alas-8:00 ng umaga sa Blk. 40, Addition Hills, Manda­luyong City.

Bago ang insidente, du­mating ang magkapatid sa kanilang bahay na kapwa nakainom. Itinuloy nila ang inuman at inabot ng alas-6:00 ng umaga kung saan pareho na silang lango sa alak.

Ayon sa mga kamag-anak ng dalawa, nagkainitan ang mga ito sa hindi malamang dahilan hanggang sa mag­suntukan ngunit, sinaksak ng nakatatanda sa dibdib ang kapatid na siyang ikinama­tay nito.

Tumakas naman ang sus­pek ngunit, nahuli rin kaagad ng mga pulis maka­raang ituro ng mga nakakita kung saan ito nagtago.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.