Search
  • BULGAR

Sen. Trillanes ‘di na naaresto; DDS pages, tinanggal pa ng Facebook, aruy!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

WALANG PAGOD SINA CALIDA AT GUEVARRA SA KAHIHIRIT SA KORTE PARA IPAARESTO SI SEN. TRILLANES — Matapos ibasura ni Makati RTC Branch148 Judge Andres Soriano ang hirit ng DOJ na warrant of arrest laban kay Sen. Antonio Trillanes IV, kaugnay sa pag-revoke ni P-Du­terte sa amnesty ng senador, sinabi nina DOJ Sec. Menardo Guevarra at SolGen Jose Calida na ipababaligtad daw nila sa Supreme Court at Court of Appeals ang desisyon ng huwes na pumabor kay Sen. Trillanes.

Dapat, ‘yung sinabi nina Aga Muhlach at Bea Alonzo kay Sen. Trillanes na kung hindi raw ba ito napapagod sa kababatikos kay P-Du­terte ay dapat sabihin din ito kina Calida at Guevarra kasi kitang-kita ang ebidensiya na wala silang pagod sa kahihirit sa korte para maipaaresto si Sen. Trillanes, boom!

◘◘◘

KUNG PERA NG BAYAN ANG GA­GA­­MI­TIN NI ARNELL IGNACIO NA PAM­­BILI NG TIKETS SA PELIKULA NINA AGA AT BEA, BAD ‘YAN! — Mami­migay si OWWA Deputy Director Arnell Igna­cio ng libreng tiket sa mga nais manood ng pelikula nina Aga at Bea bi­lang suporta sa dalawang artistang ito matapos iboykot ng mayoryang mo­viegoers ang kanilang pelikula dahil sa ginawa nilang banat kay Sen. Trillanes.

Kung sa sariling pera ni Ignacio mang­gagaling ang gastos sa libreng tiket ay walang problema, pero kung sa kaban ng bayan niya kukunin ang gastos dito ay bad ‘yan kasi hindi katanggap-tanggap na gagamitin niya ang pera ng bayan para kumita ang flop na pelikula nina Aga at Bea, period!

◘◘◘

DOBLE ANG PIGHATI NG MGA DDS — Isang araw matapos i-reject ni Judge So­riano ang hirit ng DOJ na ipaaresto si Sen. Tril­lanes, tinanggal ng Facebook management ang sangkaterbang fake news ng DDS pages dahil sa “spam behavior”.

Kung ganu’n, dobleng pighati pala ang na­raranasan ng mga DDS kasi ‘yung inaasam nilang makukulong na ulit si Sen. Trillanes ay hindi natupad tapos tinanggal pa ng Facebook ang mga sinusubaybayan nilang fake news sa mga DDS pages, he-he-he!

◘◘◘

RAKET NA ‘PAIHI’ NINA ‘VIOLAGO’ AT ‘DAN BURIKI’, DINADAAN-DAANAN LANG NG PNP-HPG SA STAR TOLL­WAY — May mga nagrorondang PNP-High­way Patrol Group (HPG) sa Star Tollway na sakop ng Batangas, pero kataka-taka na hindi nila hinuhuli ang operasyon ng “Oil Pilferage Syndicate” nina “Violago” at “Dan Buriki” sa lugar na ito.

Paging PNP-HPG Director Roberto Fajardo, baka puwedeng pakikuwestiyon ang mga ta­uhan mo kung bakit dinadaan-daanan lang nila ang raket nina “Violago” at “Dan Buriki” sa Star Tollway, plis lang!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.