Search
  • Nitz Miralles

Noranians, pikon na pikon na! NORA, LAGLAG PA RIN BILANG NATIONAL ARTIST!

WALA na naman ang pangalan ni Nora Aunor sa listahan ng 2018 National Artists na paparangalan this Wednesday. Ikinalungkot ito ng mga supporters ng Superstar na ilang taon na ring isinusulong na maiproklamang National Artist si Nora, pero gaya nu’ng mga nakaraang taon, hindi pa rin siya nagagawaran ng parangal.

Narito ang listahan ng 2018 National Artists: Kidlat Tahimik (Film), Ryan Cayabyab (Music), Francisco Manosa (Architecture), Ramon Muzones (Literature), Resil Moja­res (Literature), Larry Alcala (Visual Arts), Amelia Lapeña Bonifacio (Theater).

Tanong ng mga supporters ni Nora, hanggang kailan pa sila maghihintay at ilang presidente pa ng bansa ang dadaan bago matupad ang pangarap nila sa kanilang idolo na maiproklamang National Artist?

Samantala, ikinatutuwa naman ng mga fans ni Nora na patuloy siyang napapanood sa Onanay dahil ang unang announcement, special participation lang ang role niya bilang si Nelia. Pero, na-extend ang labas ni Nora at hanggang sa pagtatapos na yata ng drama series ng GMA-7 ay kasama pa rin siya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.