Mga hepe ng law enforcements, magkakapatayan sa drug war

BUBUKSAN na ang Boracay Island.
May “hanapbuhay” na ulit si Nene!
◘◘◘
SUSUNOD na lilinisin ang El Nido.
Mawawalan naman ng “trabaho” si Totoy!
◘◘◘
NAKALUSOT sa pag-aresto si Sen. Antonio Trillanes IV.
Epekto kaya ito ng Holy Rosary ngayong Oktubre?
◘◘◘
MASELAN talaga ang giyera kontra droga.
‘Yung mga hepe ng law enforcements ang magpapatayan.
◘◘◘
MAGKAKALABAN ang mga kandidato ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago sa local levels.
‘Yan ay isang reyalidad!
◘◘◘
ISANG lady teacher ang nantortiyur ng mga boy scout.
Dapat siyang parusahan ng mga girl scout!
◘◘◘
ITINATWA ng PDP-Laban si Freddie Aguilar bilang kandidato.
Isang alibughang anak!
◘◘◘
ULAT showbiz: Regine Velasquez, lumipat ng TV station.
Hindi kaya sumunod lang sa kanyang mister?
◘◘◘
AYON sa dating DepCom ng Bureau of Customs, P16 bilyon ang halaga ng shabu na naikalat sa Metro Manila.
Huh, hindi kaya, ‘yan din ang kakalat sa 2019 elections?





Comments