Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad...MISTER NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD MULI AT TULUYAN NANG MAGKAROON NG MAGA

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

1. Dati na akong seaman, pero nang bumaba ako ng barko ay hindi na ako nakasampang muli.

2. Masipag naman ako at nagpa-follow-up ng mga papeles, pero hindi pa rin ako nakaaalis, mag-iisang taon na.

3. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Ma­estro, upang itanong kung kailan kaya ulit ako ma­kasasampa sa barko, sa ngayon kasi ay paubos na ang sa­vings namin ng misis ko?

KASAGUTAN

  1. Sobrang malawak ang nakitang ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa ka­liwa at kanan mong pa­lad, Ricky, na ang ibig sabihin ay basta patu­loy kang nagpa-follow-up ng iyong mga papeles at ka­unting tiyaga pa, tiyak ang magaganap sa ikalawang pag­kakataon, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang muling itatala sa iyong kapalaran kung saan madali na­mang kinumpirma ng pumangit, pero umayos na lagda mo na nangangahulugang pansamantala lang namang papangit ang iyong kapalaran, pero dahil gumanda itong muli, tulad ng nasabi na, muling gaganda ang iyong kapalaran lalo na sa iyong career.

  2. Tanda na kung nakapag-abroad o nakapag-barko ka na dati, (Drawing A. at B. t-t arrow a.) tiyak na may ikalawang pag-a-abroad ang muling itatala sa iyo at ito ay madali na­mang kinumpirma ng maganda at maayos na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad. Ibig sabihin, habang nagkakaedad ka, matapos ang pansa­mantalang pagkakabakante, paganda na nang paganda ang career mo at sa susunod na mga buwan at taon ay lalo pang gaganda at sasagana ang iyong kapalaran.

DAPAT GAWIN

Ang mahalaga ngayon, Ricky, ‘wag kang mawalan ng pag-asa, sa halip, patuloy kang mag-follow-up ng iyong mga papeles, dahil ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang maga­ganap ngayong taong 2018, bago sumapit ang Pasko, sa buwan ng Nobyembre o kaya ay Disyembre sa edad mong 28 pataas, itatala ang ikalawang mas mabunga at mabiya­yang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.