- mylene alfonso
Hirit ng Palasyo | KULONG KAY TRILLANES, NA-DELAY LANG

NANININDIGAN ang Malacañang na pabor sa gobyerno ang desisyon ng Makati RTC Branch 148 taliwas sa tuwa ni Senador Antonio Trillanes IV.
“Na-delay lang iyong kanyang pagpapakulong,” ani Sec. Panelo.
“Well, gaya na nga ng sinabi na noon pa, we will respect the decision of the court; kung ano iyong desisyon, susundin natin. But having said that, let me emphasize na iyong ruling ng korte – contrary to the excitement of Mr. Trillanes ay pabor na pabor sa gobyerno, sapagka’t sabi ng hukuman, valid iyong proclamation declaring the grant of amnesty a nullity,” dagdag pa ni Panelo.
Naniniwala umano siyang mali ang interpretasyong walang hurisdiksyon ang RTC sa kaso ni Trillanes dahil nagprisinta pa ito ng ebidensiya at nagpaargumento pa sa loob ng hukuman.
Bagama’t, sinabi rin umano ng korte na nag-apply ang Senador ng amnestiya, kulang pa rin umano ng requirements ni Trillanes.
Sa ngayon, dudulog umano sa Court of Appeals (CA) si Solicitor General Jose Calida para mabaligtad ang desisyon ng Makati RTC sa hiling na warrant of arrest.