Hindi nag-ambag sa alak | KATOMA TINADTAD
- BULGAR

- Oct 24, 2018
- 1 min read

SUGATAN ang isang construction worker maapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang hindi umano ito mag-ambag sa kanilang babayaran sa isang videoke bar sa Sarrat, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Eric Lopez, habang naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Mark Elloringco. Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman sa videoker bar ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang mga katrabaho.
Gayunman, bigla umanong nag-away ang dalawa kaugnay ng ambagan sa kanilang nainom hanggang sa nauwi sa pananaksak. (BRT)





Comments