BANGIS NG RED LIONS, INURUNGAN NG ALTAS


IPINARAMDAM ng defending champion San Beda University Red Lions ang kanilang lakas sa Perpetual Help Altas matapos ilista ang 82-72 panalo sa huling araw ng elimination round sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan. Tinapos ng Red Lions ang elims na nasa tutok tangan ang 17-1 karta, muli nilang makakalaban ang Altas sa semifinals sa Biyernes.
Bitbit ang twice-to-beat advantage, sasampa ang San Beda sa championship round kapag nanalo agad sa Altas. Kailangan naman ng host UPHSD Altas na manalo ng dalawang beses sa Red Lions upang makahirit ng laro sa Finals. Kumana si Donald Tankoua ng 23 points at 10 rebounds para sa Red Lions na puntiryang ikahon ang pangatlong sunod na titulo
Bukod kay Tankoua, inaasahang kakapitan ng San Beda sa semis sina skipper Robert Bolick at Javee Mocon. Lumanding sa No. 4 ang Altas pasan ang 11-7 card.
Ang ibang nakapasok sa final four ay ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines, (No. 2) at third seed Letran. Tulad ng San Beda, may twice-to-beat incentive din ang Pirates. Binigyan ng insentibo ang top two teams pagkatapos ng 18-game elimination round. Samantala, nagwagi sa unang laro ang San Sebastian College sa Arellano University, 91-63. (ATD)





Comments