Search
  • Maeng Santos

3-anyos ni-rape ni uncle


KULONG ang isang lalaki matapos ireklamo ng pang­hahalay sa 3-anyos na kanyang pamangkin sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang suspek na si Alex Aguilar, 49, construction worker.

Alas-2:30 ng hapon, umuwi ng kanilang bahay ang biktimang itinago sa panga­lang ‘Katrina’ kasama ng kan­yang ina kung saan umakyat sa ikalawang pa­lapag ang bata habang ang ina ay tu­muloy sa kanyang silid upang magpahinga.

Makaraan ang ilang oras, pumasok sa silid ng ina ng bata ang pamangkin nitong si ‘Angeline’, menor-de-edad at tinanong dito kung nasaan ang biktima.

Sinabi ni ‘Angeline’ na nakita nito ang biktima na katabing nakahiga ng suspek sa loob ng isang silid sa taas ng bahay.

Nagtaka ang ina ng bata kung bakit magkatabi ang magtiyuhin na hindi naman umano normal na nangya­yari sa kanila, kaya mabilis itong umakyat subalit, nasa­lu­bong nito sa hagdan ang anak na walang saplot at na­mumula ang ari.

Ipinagbigay-alam ng ina sa kanyang asawa ang kan­yang natuklasan na agad ding humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa himpilan ng pulisya, isinalaysay ng biktima ang gi­nawang kahalayan ng ti­yuhin na nagresulta sa pag­kakaaresto sa suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.