Search
  • Gina Pleñago

SRP sa bigas, start na - DTI


IPATUTUPAD ngayong araw ang suggested retail price sa bigas na ibinebenta sa merkado, groceries at supermarket, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture.

Ipatutupad na rin ang apat na klasipikasyon sa mga bigas tulad ng well milled rice, regular milled rice, premium rice at imported rice.

Gagawin ang hakbang upang maiwasan ang kalituhan sa pamimili ng iba’t ibang klase ng bigas tulad ng sinandomeng, jasmine rice at iba pang katawagan na gawa lamang ng mga negosyante ng bigas.

Ayon sa DTI at Department of Agriculture (DA), bahagyang bumaba ang presyo ng mga commercial rice sa pamilihan ng dalawa hanggang tatlong piso kada kilo, bunsod na rin ng pagdagsa ng NFA rice sa mga pamilihan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.