Search
  • BULGAR

Sey ng experts...PAG-UPO SA SAHIG HABANG KUMAKAIN, GOOD SA HEALTH!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

KUNG waley kayong bong­gang lamesang kainan sa bahay at nakau­galian na ninyong ku­main sa lapag? Don’t worry, be­shy, dahil knows ba ninyong ang pag-upo sa sahig o sa lapag ha­bang ku­ma­kain ay maraming health benefits na naibibi­gay sa atin? Wow!

Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, si­nabi nilang ang pag-upo sa sahig ha­bang kumakain ay naka­tu­tulong sa ating diges­tion. Anila, ang pag­galaw ng ka­tawan back and forth ay dahilan upang ang muscles ng abdomen ay ma­ging active at ma-in­crease ang pag-pro­duce ng asido ng ating tiyan.

Ga­yun­din, ito ay naka­kapayat dahil mas madali raw umanong mabusog ang isang tao kung ganito ang kanyang posisyon sa tuwing siya ay kumakain dahil mas napa­babagal daw nito ang ating pagkain kung saan mas nangunguya at naba­bawasan ang tsansa na mag-over eating tayo.

Samantala, kung sa pag­yoyoga ay napakakompor­table ng pag-upo sa sahig, gayundin ang ating pag­kain sa sahig.

Bukod pa rito, nakai-improve rin ito ng posture at nakapi-prevent sa pag­kakaroon ng injuries na maaaring hu­mantong sa pagsakit ng iba’t ibang ba­hagi ng katawan at bad posture.

Sa pag-aaral na na­i­lathala sa Euro­pean Jour­nal of Preventive Car­dio­logy, natuklasan na ang mga taong umuupo sa sahig ay mas huma­haba ang buhay. Ito ay dahil naikokonsidera na itong flexibility at lower body strength kung saan na­tagpuan sa pag-aaral na ang mga walang su­porta sa katawan ay na­nga­nganib ang bu­hay ng 6 na beses sa mga susunod na 6 na taon.

Kaya naman, keri lang ‘yan, beshy, hindi importate kung may lamesa o upuan sa bahay lalo na kung wala na­mang pambili dahil sa lapag o sahig pa lang ay okay na! Copy? He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.