Search
  • Jeff Tumbado

Sasakyan nahulog sa bangin | MAYOR TODAS, VICE SUGATAN


NASAWI ang isang da­ting alkalde sa Milaor, Ca­marines Sur, habang su­ga­tan naman ang incumbent vice-mayor at bodyguard nito makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sina­sakyang SUV sa Ragay, Ca­marines Sur, kahapon nang madaling-araw.

Dead-on-the-spot si Andre Hidalgo, habang gi­nagamot si Milaor, Cama­rines Sur Vice-Mayor Senen Bernas at driver/bodyguard nito na si Vincent Claro.

Batay sa naging salaysay ni Senen, nangyari ang ak­sidente sa bahagi ng national highway sa Bgy. Andaya.

Galing umano ang mga biktima sa Maynila at pauwi na sa Milaor at sa ka­lakasan ng pagbuhos ng ulan ay na­walan umano ng kon­trol ang kanilang sinasakyang Toyota Fortuner sa paiba­bang kal­sada hanggang sila ay bu­mangga sa steel bar­riers bago bumulusok sa ba­ngin.

Nabatid na si Hidalgo ay kandidato bilang muni­cipal councilor sa 2019 mid­term elections habang re-electio­nist naman si Bernas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.