top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pumalag sa holdap | VENDOR TINODAS

  • Maeng Santos
  • Oct 23, 2018
  • 1 min read

DEDO ang isang fish vendor matapos pagbabari­lin ng hindi kilalang suspek nang tangkain nitong pu­malag sa panghoholdap sa Malabon City, kahapon nang mada­ling-araw.

Isinugod sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa Tondo Medical Center su­balit, idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan si Gerardo Yamogan, 54, ng Bgy. Tonsuya.

Patuloy naman ang fol­low-up operation ng pulisya upang ma­dakip ang suspek na pu­matay sa biktima at tuma­ngay sa bag nito na naglala­man ng pera.

Ayon kina PO3 Julius Mabasa at PO2 Richard Andrew Calaycay, nagla­lakad si Yamogan sa kaha­baan ng Paradise Village, ala-1:30 ng madaling-araw pa­tungo sa Navotas Fishport para mamili ng isda nang ha­rangin ito ng suspek na ar­mado ng baril sabay paha­yag ng holdap.

Nang kukunin na ng suspek ang bag ng biktima, tumanggi ito at nagtangka umanong manlaban kaya pinagbabaril ito sa katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page