top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NABALAN AT KOUAME, UAAP PC-PLAYER OF THE WEEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2018
1 min read

ILANG mga record-setting performances ang naitala ng mga mahuhusay na student-athletes sa pampitong linggo ng UAAP Season 81 Basketball Tournament.

Dalawang manlalaro buhat sa dalawang reigning champion teams ang nagpa­malas ng maningning na performances sa katauhan nina Ria Nabalan ng defending women’s titlist National University Lady Bulldogs at Angelo Kouame ng men’s champion Ateneo de Manila University Blue Eagles na bahagi na ng kasaysayan ng liga.

Kaya nagdesisyon ang mga bumubuo ng UAAP Press Corps na ibigay parehas kina Nabalan at Kouame ang parangal bilang Chooks-to-Go/Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Sa unang pagkakataon ay iginawad ng UAAP Press Corps ang citation sa dala­wang players. Para kay Nabalan, siya ang magiging unang women’s cager na nabigyan ng award, pagka­raang umiskor ng 40 puntos mula sa 14-of-23 shooting upang pamunuan ang Lady Bulldogs sa kanilang record na 72nd straight win.

Ikinagalak naman ng kanilang head coach na si Patrick Aquino ang achievement ng kanyang player. “Sobrang happy that everything was falling for Nabalan. It’s only a once-in-a-lifetime na makakuha siya ng forty points. Sobrang saya,” saad ni Aquino mata­pos ang 111-64 na panalo nila kontra De La Salle Lady Archers noong Sabado.

Ramdam ang malaking epekto ng pagkawala ng mga kakamping sina Thirdy Ravena at ang kambal na sina Mike at Matt Nieto, du­mob­leng kayod ang 6-foot-10 Ivorian student-athlete na si Kouame at umiskor ng 33 pun­tos at 27 rebounds upang pamunuan ang Ateneo sa 82-62 panalo nila kontra FEU. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page