top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad...LALAKING NAKATAKDANG UMUNLAD ANG BUHAY SA KAHIT ANONG LARANGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

1. Kahit hindi ko mas­yadong gusto ang kursong Engineering dahil hindi naman ako magaling sa math, kinuha ko pa rin ito para matuwa ang mga magulang ko at ngayon sa awa ng Diyos ay third year na ako, kaya lang medyo hindi pa rin ako okay.

2. Kaya ngayon, balak ko sanang mag-shift ng kurso, pero nagdadalawang-isip ako dahil sayang naman ang pera sa mga subject na hindi make-credit kung sakaling mag-iiba ako ng kurso.

3. Maestro, ano ba ang maipapayo ninyo sa akin?

Kahit kaya matapos ko ang kursong ito na hindi ko naman gusto ay may pag-asa ba akong makapasa sa Board exam at maging matagumpay na Engineer?

4. Balak ko kasing mag-shift ng Education, ano ba ang nakaguhit sa aking mga palad upang maging successful ako, balang araw?

KASAGUTAN

1. Walang problema, Patrick, kahit anong kurso pa ang kunin mo ay magtatagumpay ka dahil kapansin-pansing tuwid at nakarating naman ang Fate Line mo (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa Bundok ng Saturn na tinatawag din na­ting Bundok ng Tagumpay (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ibig sabihin ng ganyang Fate Line, na tinatawag din nating Career Line tulad ng nasa sa iyong palad, (arrow a.) ay parang ‘yung kasabihan ng mga matatanda na sa pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa Simbahan din ang tuloy, na ang ibig sabihin ay walang alinlangan, sadyang nakatakda na sa iyo ang gumradweyt sa college, magpasikut-sikot ka man ng kurso at mamasyal sa iba’t ibang unibersidad, sa bandang huli, makaka­ta­pos at matatanggap mo rin ang iyong diploma.

3. Habang ‘yung iti­na­tanong mong matapos kang gumradweyt sa ko­lehiyo ay magtatagum­pay o magiging maligaya ka ba sa iyong propes­yon?

Kapansin-pansin ding maganda, tuwid at makapal ang Effort Line sa kaliwa at kanan mong palad, (Drawing A. at B. E-E arrow b.) ‘yan naman ang malinaw na indikasyon na hindi ka lang mag­tatagumpay sa iyong career, bagkus ay magiging maligaya ka pa sa iyong propesyon.

4. Kung saan lalong matitiyak ang tagumpay at maliga­yang propesyon kung bukod sa Effort Line (arrow b.) na nabanggit ay mayroon ka pang Sun Line (Drawing A. at B. S-S arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad at nagkataong mayroon ka nga kung saan ito naman ay tanda na ikaw ay makakapasa sa Board exam kahit anong kurso man ang nata­pos mo dahil ang ibig sabihin ng Sun Line (arrow c.) ay na­takdang kilalanin ng lipunang iyong ginagalawan ang iyong mga gawa at kontribusyon kung saan ang ibig sabihin din ng Sun Line (arrow c.) ay sadyang magiging maligaya ka sa iyong larangan, kumbaga, habang nagtatrabaho ka at kumikita ng pera kasabay nito ay masaya at maunlad na buhay.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Patrick, tiyak na ang magaganap, manatili ka man sa kasalukuyan mong kursong Engineering o kaya ay lumipat ka sa kursong Education, walang problema sapagkat sigurado na ang magaganap, anumang larangan ang pasukan mo tulad ng nasabi na, sa bandang huli ay magtatagumpay ka at habambuhay nang ma­giging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page