MAINCORE SUNSPOTS

“MAINCORE Sunspots at May Suwerte Ako, kampihan sa Race 1”
Magandang araw mga tropang karerista sa Saddle & Clubs, Naic, Cavite ang karera ngayon na iho-host ng Philippine Racing Club Inc., (PRCI).
Dalawang coupled entry ang pakakawalan ni Narciso Morales sa Races 1 at 2, puwede nating kampihan ang mga ito, sa unang karera tatakbo ang kabayo niyang sina Maincore Sunspots, (5) at May Swerte Ako, (5A), isama natin sina Zoom Zoom, (11) at Fire Crackers, (4).
Sa second race sasalang ang mga alaga ni Morales na sina Grandox, (1) at Pabulong, (1A), kunin din natin sina Banjo, (3) at Pilya, (7).
Ang pili ko sa Race 3 ay si Alfie, (1) at Batang Poblacion, (3) habang lalagay ako sa Race 4 kina Princess Arianna, (3) at Big Boss James, (4).
Bakbakan ito sa Race 5, kay Gonzee’s Song, (5) at Most Trusted, (7). Kay Big Big Brown, (1) ako sa Race 6, isama na rin si Sta. Rita, (5).
Tatlo ang kukunin ko sa Race 7 ang huling karera ngayong araw, sina Tabing Ilog, (1), Go Smarty Go, (7) at magkakamping Spin Move, (3) at June Eleven, (3A).





Comments