top of page

Magkakamag-anak na pulitiko, mga suwapang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2018
  • 2 min read

MAGKAKAMAGANAK NA PULITIKO, SOBRANG SUWAPANG SA PUWESTO —Ang magkakapatid na Duterte ay sabay-sabay na kakandidato sa Davao City. Si Mayor Sara Duterte-Carpio bilang reeleksyunistang mayor, vice-mayor si ‘Baste’ at for congressman si ‘Pulong’. Sa Camarines Sur, kandidato sa pagkacongressman ng Dist. 3 si ex-Rep. Luis Villafuerte, pagka-congressman ng Dist. 2 ang anak niyang si LR at kandidato ulit bilang governor ang apo niyang si Gov. Migz Villafuerte, samantala, ang mag-asawang ex- DFA Sec. Alan Peter Cayetano at Mayor Lani Cayetano ay kandidato bilang mga kongresista sa dalawang distrito ng Taguig City.

Ilan lang sila sa mga magkakamag-anak na pulitiko na sobrang suwapang sa puwesto, mga buwisit!

◘◘◘

SI VICE GANDA, DAPAT SISIHIN SA PAGSEMPLANG SA TAKILYA NG PELIKULA NINA AGA AT BEA—Walang ibang dapat sisihin sa paglagapak sa takilya ng pelikulang “First Love” nina Aga Mulach at Bea Alonzo kundi si Vice Ganda.

Kung hindi tinanong ni Vice Ganda sina Aga at Bea kung ano ang nais nilang mensahe sa senador, hindi sana sila nakapagbigay ng komento laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Dahil hindi nagustuhan ng publiko ang banat nina Aga at Bea kay Sen. Trillanes, nagkaroon tuloy ng panawagan sa social media na iboykot ang kanilang pelikula na nagresulta upang sumemplang ito sa takilya, boom!

◘◘◘

TILA DOBLENG KAMALASAN ANG AABUTIN NI KOKO SA DUTERTE GOV’T —Nag-file ng disqualification case si Atty. Ferdinand Topacio laban sa kandidatura ni Sen. Koko Pimentel III dahil natapos na raw ang dalawang termino nito bilang senador kaya hindi na raw ito puwedeng kumandidato ulit bilang senador.

Naku, kapag nagkataon ay dobleng kamalasan ang aabutin ni Koko sa Duterte gov’t. kasi natanggal na siya bilang Senate President, madidiskuwalipika pa siya bilang kandidatong senador, aray!

◘◘◘

MAGANDANG KOTSE, HINIHINGING ‘KOTONG’ NG ISANG BUWAYA NG BUREAU OF CUSTOMS OFFICIAL Magkakamag-anak na pulitiko, mga suwapang! — Isang opisyal daw ng Bureau of Customs ang nanghihingi ng brand new na sasakyan sa isang negosyanteng nais magtayo ng oil depot sa SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority).

Kung totoo ito, aba, bigtime kotongero pala ang BOC official na ito kasi mantakin ninyo, ang hinihingi niyang kotong, brand new luxury SUV, pwe!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page