top of page

Madaling paraan para mabawasan ang eyebags

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2018
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Bakit kapag kulang sa tulog ang tao ay nagkakaroon siya ng itim sa ilalim ng mga mata? Hindi ako madalas magpuyat ngunit, sobrang maitim ang ilalim ng aking mga mata. Ano kaya ang puwede kong gawin

dito?— Joanna

Sagot

Kadalasan, ang pagkakaroon ng eyebags at pangingitim sa ilalim ng mga mata ay dulot ng pagpupuyat o kakulangan sa tulog, paninigarilyo at pag-inom ng alak. Dahil nababawasan ang laman (fats) sa ilalim ng mga mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang mga mata.

Narito ang mga maaaring gawin upang mabawasan ang eyebags:

• Mahalagang matulog ng 7-8 oras.

• Magpalamig ng ilang hiwa ng pipino — ipikit ang mga mata at ipatong ito sa ibabaw sa loob ng 15 minuto.

• Gumamit ng teabags — ilubog ang 2 teabags sa maligamgam na tubig at palamigin sa refrigerator at ipatong ito sa mga mata ng 15 minuto. Ang sangkap na tannin sa tea ay nakatutulong sa pagbawas ng pamamaga at pangingitim ng mga mata.

• Gumamit ng yelo o pinalamig na kutsara at ipatong ito sa nangingitim na mga mata sa loob ng ilang minuto.

• Iwasan ang mga bagay o pagkain na nakapagtitrigger ng allergy — maaaring maging sanhi ito ng pamamaga ng mga mata.

• Ugaliing uminom ng 8-10 basong tubig, arawaraw.

• Magbawas ng stress at iwasang sumimangot.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page