Lalaking guilty matapos gastusin ang tuition fee
Dear Roma,
Ang pangalan ko ay Jessie, 20 years old. May problema ako ngayon dahil nagastos ko ‘yung pang-tuition ko sa ibang bagay. Masyado kasi akong na-excite na makabili ng sapatos na pambasketball dahil may laban kami sa school, kaya ‘yun ipinambili ko na lang ‘yung pang-tuition ko. Kaya lang ngayon, natatakot ako sa mama ko kasi hinahanap na niya sa akin ‘yung permit ko, tapos malapit na rin ang exam namin. Ano ang dapat kong gawin? — Jessie
Jessie,
Alam mo, iho, dahil wala ka ng magagawa sa sitwasyong tapos na, ang dapat mong gawin ay ipagtapat mo na sa mama mo na nagastos mo sa iba ang pambayad sana ng tuition mo. Inaasahan na nating magagalit siya dahil mali naman talaga ang ginawa mo, pero kailangan mo ‘yung tanggapin. Mas magandang malaman ang masakit na katotohanan kaysa sa masarap na kasinungalingan. Good luck!





Comments