HOROSCOPE | Oktubre 23, 2018 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 23, 2018 (Martes): Gamitin mo ang kakaibang lakas ng iyong kalooban sa pagpapaunlad ng buhay mo. Hindi ka dapat nakatuon sa ibang bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat magpatangay sa mga palaangal at negatibong tao. Ang buhay ng bawat isa ay naiaayos base sa kanyang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ikabahala ang makapal na ulap sa iyong kapalaran. Dumaraan ang madilim na ulap, pero hindi naman ito kaagad bumabagsak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-16-23-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos mo na nakatuon sa pagpaparami ng iyong kinikita. Ito ay dahil makasisingit sa iyo ang ilang bagay na may kinalaman sa hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-11-15-21-29-30.
CANCER (June 21- July 22) - Makabubuti kung mananahimik ka kaysa sa makigulo ka sa mga bagay na wala namang kauuwiang maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-30-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tinitingala ang nasa itaas, kaya titingalain ka ngayon, ngunit, mas marami sa mga ito ang naiinggit sa iyo at naghahangad na ikaw ay bumagsak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang bawat kilos ay may dagdag o pakinabang. Ito ang epektibong susi ng pagpapayaman. Puwede mong sulitin ngayon ang panahon at pagkakataon upang dumami ang iyong kita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-26-34-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka na may saya at sigla, kahit pa may pinagdaraanan ka. Dahil noon pa man, kapag masaya ka, nagdaratingan sa buhay mo ang mga nakagugulat at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-28-30-32-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Gawin mo ito dahil magreresulta ito na talagang makukuha mo ang iyong gusto. Ito ang sikreto ng iyong kapalaan ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-15-23-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na mapapalaban ka at aakalain mong matatalo ka na, pero sa huli, ang huling halakhak ay para sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-21-24-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mong makaporma ang mga kaaway mo. Hanggang porma lang naman sila dahil sa huli, ikaw ang mananalo at sila ang mga talunan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-21-34-36-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mataas ang lipad mo ngayon. Pero huwag kang mag-alala dahil ang langit mismo ang may gusto na umasenso pa ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-27-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marami sa nasa paligid mo ay pabigat lang sa iyo. Hindi ipinapayo na alisin mo sila sa buhay mo dahil minsan ka rin naman nilang napasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-16-21-25-38.




Comments